Kayamanan = Kaligayahan?
Dec. 8th, 2012 08:54 pmHI GUYS! \o/
Alam kong mawiwindang kayo dahil sa tagal tagal kong nawala, bigla na lang akong susulpot ulit at magpopost ng bagong entry sa ibang wika! Teka lang muna't magpapaliwanag muna ako bago kayo tuluyang mawalan ng gana sa pagbasa nito. Ang klase namin ay inatasang gumawa ng isang blog post tungkol sa mga bagay bagay na natalakay namin sa klase, at ito na yung proyekto na kailangan naming kumpletuhin! Alam ko na pangunahing layunin ng biglaan kong pagbalik ay dahil lamang sa isang proyekto pero alalahanin niyo sana na totoo naman ang mga saloobin at kaisipin na mababahagi ko dito sa post na ito! Huwag naman din kayo mag-alala dahil gagawa din ako ng panibagong post kasunod nito na isang direktang pagsasalin ng mag sasabihin ko dito para din mas maiintindihan ng iba kong mga kaibigan dito na hindi makaunawa nito at gustong unawain ang mga sasabihin ko.
O, ano pa nga ba ang gagawin ko kundi simulan na ang tunay na pangunahing dahilan kung bakit ako ay bumalik! :)
( Ano nga ba ang pag-uusapan natin?:) )
